basyang
>> 14.7.10
madaling araw. malakas ang ulan. at di gaya ng nakaraang gabi, ngayo'y malakas na din ang hampas ng hangin sa mga punongkahoy sa paligid. pati na din sa bintana ng aking silid. at dala nito ay pangamba sa bawat ingay na likha ng pagbuhos. sabi sa ulat, isa daw malakas na bagyo na maaring sumira ng madaming buhay at muli, gaya ng mga nakaraang bagyo ay mag-iwan ng malalim na sugat sa mga mamamayan. Sa pagkakataong ito, hindi ko alam kung nais ko bang ito ay pigilan pa o hayaan na lamang hanggang sa magsawa. sino ba naman ako para utusan ang kalikasan? pero kung sa paraan lamang na ito magkakaroon ng pagkakataon upang marahil ay maisipan mong bumalik na lamang sa akin. bakit hindi? sabay nating panoodin ang pagpatak ng ulan at magpaanod ng bangkang papel na naglalaman ng mga salita na matagal ng nakapiit sa ating mga lalamunan, o pakinggan ang ingay nito sa bubungang yero. lahat ng bagay ay maganda kung andito ka.sana alam mo.
Read more...