Showing posts with label pirapirasong isipin. Show all posts
Showing posts with label pirapirasong isipin. Show all posts

you are gay. i am sad. =(

>> 17.11.10

tatlong patak ng likido
na bago pa man makawala sa pagang balon
ay nagawa ng takpan ng malabangkay na mga palad.

nais kong maniwala na dala lamang ito ng madaming bagay-bagay. marahil nga. marahil ay sa ganitong paraan ko lamang maibabalik ang kapanatagan ng aking damdamin na sa mga oras na ito ay hindi ko na alam kung kaya ko pang pigilin ang pagwawala.

ngunit kailanman ay di matatanggap ng aking hangal na prinsipyo hanggang sa pinakahuling selyo na nagpapagana sa aking kaisipan na ikaw. na ikaw ang lahat ng ito. mula simula pa man hanggang sa mga oras na ito kung saan pinaglalabanan ng aking mga kamay ang bigat sa paglalagay ng pinakahuling tuldok, tuldok na ikaw din naman ang may kadahilanan. gayunpaman, nais kong malaman mo na dumating ako sa lahat ng possibleng tagpuan. hinanap kita. naghintay ako. ngunit ikaw, ikaw ang walang bakas na iniiwan. kaya't marahil ay ngayon na nga. hindi ko na magagawang hintayin pa ang makalawa, o ang paglitaw pa ng madaming buwan. ang tanging alam ko lamang, sa ating dalawa, ikaw. ikaw ang unang bumitaw. (ang damdamin ni Christian para kay Amiel)

gay - adj \ˈgā\ : masaya, maligaya
sad - adj \ˈsad\: malungkot, malumbay, mapanglaw

Read more...

basyang

>> 14.7.10

madaling araw. malakas ang ulan. at di gaya ng nakaraang gabi, ngayo'y malakas na din ang hampas ng hangin sa mga punongkahoy sa paligid. pati na din sa bintana ng aking silid. at dala nito ay pangamba sa bawat ingay na likha ng pagbuhos. sabi sa ulat, isa daw malakas na bagyo na maaring sumira ng madaming buhay at muli, gaya ng mga nakaraang bagyo ay mag-iwan ng malalim na sugat sa mga mamamayan. Sa pagkakataong ito, hindi ko alam kung nais ko bang ito ay pigilan pa o hayaan na lamang hanggang sa magsawa. sino ba naman ako para utusan ang kalikasan? pero kung sa paraan lamang na ito magkakaroon ng pagkakataon upang marahil ay maisipan mong bumalik na lamang sa akin. bakit hindi? sabay nating panoodin ang pagpatak ng ulan at magpaanod ng bangkang papel na naglalaman ng mga salita na matagal ng nakapiit sa ating mga lalamunan, o pakinggan ang ingay nito sa bubungang yero. lahat ng bagay ay maganda kung andito ka.sana alam mo.

Read more...

Blog template by simplyfabulousbloggertemplates.com

Back to TOP