you are gay. i am sad. =(
>> 17.11.10
tatlong patak ng likido
na bago pa man makawala sa pagang balon
ay nagawa ng takpan ng malabangkay na mga palad.
nais kong maniwala na dala lamang ito ng madaming bagay-bagay. marahil nga. marahil ay sa ganitong paraan ko lamang maibabalik ang kapanatagan ng aking damdamin na sa mga oras na ito ay hindi ko na alam kung kaya ko pang pigilin ang pagwawala.
ngunit kailanman ay di matatanggap ng aking hangal na prinsipyo hanggang sa pinakahuling selyo na nagpapagana sa aking kaisipan na ikaw. na ikaw ang lahat ng ito. mula simula pa man hanggang sa mga oras na ito kung saan pinaglalabanan ng aking mga kamay ang bigat sa paglalagay ng pinakahuling tuldok, tuldok na ikaw din naman ang may kadahilanan. gayunpaman, nais kong malaman mo na dumating ako sa lahat ng possibleng tagpuan. hinanap kita. naghintay ako. ngunit ikaw, ikaw ang walang bakas na iniiwan. kaya't marahil ay ngayon na nga. hindi ko na magagawang hintayin pa ang makalawa, o ang paglitaw pa ng madaming buwan. ang tanging alam ko lamang, sa ating dalawa, ikaw. ikaw ang unang bumitaw. (ang damdamin ni Christian para kay Amiel)
ngunit kailanman ay di matatanggap ng aking hangal na prinsipyo hanggang sa pinakahuling selyo na nagpapagana sa aking kaisipan na ikaw. na ikaw ang lahat ng ito. mula simula pa man hanggang sa mga oras na ito kung saan pinaglalabanan ng aking mga kamay ang bigat sa paglalagay ng pinakahuling tuldok, tuldok na ikaw din naman ang may kadahilanan. gayunpaman, nais kong malaman mo na dumating ako sa lahat ng possibleng tagpuan. hinanap kita. naghintay ako. ngunit ikaw, ikaw ang walang bakas na iniiwan. kaya't marahil ay ngayon na nga. hindi ko na magagawang hintayin pa ang makalawa, o ang paglitaw pa ng madaming buwan. ang tanging alam ko lamang, sa ating dalawa, ikaw. ikaw ang unang bumitaw. (ang damdamin ni Christian para kay Amiel)
gay - adj \ˈgā\ : masaya, maligaya
sad - adj \ˈsad\: malungkot, malumbay, mapanglaw
12 comments:
ayan... gay naman ngayon?? ano ga daw gustong isulat talaga?? heheh!! nung isang araw, kamay, ngaun, bading!! ano kaya bukas?? heheh!! ewan ko sau freefall... basta masarap lang magbasa ng sinulat mo kahit di ko naiintindihan...
Isang notification na naman sa aking yahoomail account ang bumulaga sa akin at sige na nga, made me excited na tumambay sa blog mong ito.
Totoo. Wala akong nagawa kundi balikan ang kwento nina Amiel at Christian (at Kian).
At ganon pa rin, nakakapanghinayang. Gayunpaman, hiling kong sa pinakamalapit na bukas ay magtagpo na silang dalawa at wag nang bumitiw pa. At doon, doon lamang wala nang puwang ang lumbay.
(oh, di ba! korniks lang. hahaha!)
...i'm gay... taht makes you sad??? ((
naisip mo na ba o napansin mo..?kung gaano kahina o kalakas ang tunog ng bawat paglapat ng iyong mga daliri sa keyboard? na habang malaya mong pinaglalakbay ang iyong imahinasyon, ay siya ring angal ng mga letrang iyan, sapagkat pagod na silang ikubli ang totoo mong nararamdam..oh dili kaya'y baung baon na sila sa tuloy tuloy na yabag ng nagpupuyos mong damdamin..?
sa huli..ang komentong ito'y wala lang...sana lang..sana talaga..magtagpo na ulit kayo ni Reynaldo.
Mam, EPIC. :)
sad c bez :( ang lalim naman ng tagalog mo. pahirapan mgbasa. sa palagay ko love story mo ang ikinukwento mo dito. ganun pa man, dapat ay mgsaya tayo.
para sa mga anonymous: marahil nga ay hindi magagawang intindihin ng karamihan ang nais ipahiwatig ng bawat letrang kumakatawan sa pinakailalim na parte ng damdamin. ngunit ako ay nagpapasalamat sa patuloy na pagbabasa at pagkomento. hangad ko na ito ay makapagbigay ng saya at aliw sa inyo!
hindi ako nalulungkot sapagkat ikaw ay masaya. sapagkat lahat ng nagmamahal ay ang kasiyahan at ikaluluwag lamang ng kalooban ng kanyang minamahal ang tanging hangad.
aiza, wag mo ng hanapin pa kung saan ang tagpuan, baka ikaw ay makitagpo pa. hindi uso dito ang love triangle. hehe. baka magalit sayo si amiel. multuhin ka pa nya. and be scared. be very scared. baka mapatulad ka kay mj! hehe.
cpbd. hindi ko na iyon naramdaman pa. at ayaw ko nang pag-ukulan pa iyon ng pansin. wala na akong panahon na pakinggan ang pag-aalburuto nila. ang alam ko lamang ay kailangan ko sila. kailangan ko sila upang maibsan ang madaming bagay-bagay sa aking tila napapagod ng isipan. kung nasan ka mang lupalop, sana'y batid mong isa lang ang katotohanan sa mundo ko, tanging si reynaldo. ang lahat ay pawang kasinungalingan na lamang.
ysh, mas epic ang kwento ni hannakimi! =)
janelle. yes, dapat masaya. gayunpaman, naniniwala ako na walang nag-mamay-ari ng kwentong ito. lahat nang nakakakita ng kanyang sarili sa bawat linya ay maaaring umangkin dito.
sa pagbasa ko ng iyon sipi, tila yata akoy naliligaw, sapagkat di ko pa nababasa ang kwento ni amiel at christian, ngunit sa pag basa ko nito, aking naramdaman ang damdamin na isinasaad dito, at parang gusto ko sundan ang panimula ng kwento ni amiel at christian... ;) mabuhay ka ;)
i dont what to think or what to feel.. i just drop by to see if i can recall the feeling.. and guess what?? i missed you so much... i know it cant be possible... it cant be real.. its just an illusion... if i could possibly just spend a little more time with you maybe then can only the longing and the hurt inside ease up a little... only through this i can express... love your knew braces!!!!
freefall...im so sorry.... for everything.. please give me another chance... im so much want to see you and to be with you. thats my first plan .. sorry... love you...
hala gladiola.. may stalker ka dito.. hehe :))
gusto kong magiwan ng comment ngunit nawawala lahat ng nasa isip ko pag nakaharap na ako sa monitor... wala lang... di ko alam kung bakit nagbago.. ikaw ba?? ako ba?? may mali ba?? di ko alam... masaya lang naman ako pag nakikita kita o nakakasama.. pero wag mo sanang masamain ang mga pagkakataon na yun spagkat ikaw lang yung nakakapag pasaya sa akin ng ganun.. pero marahil di na mangyayari pa yun dahil pakiramdam ko lumalayo ka na sa akin... di ko alam kung may nasabi ako o nagawang mali... di ko rin naman makuhang itanong sa yo kung bakit...
Post a Comment