W H E N I M E T Y O U

>> 4.3.10



(babala: corney ‘to gayunpaman salamat pa din sa mga tao na nagpaunawa sa akin ng totoong kahulugan ng pag-ibig)

Sampung taon. Sampung taon na rin nga pala ang lumipas. Tandang tanda ko pa kung saan at papaano nagsimula ang lahat. Sa loob ng coffee shop na pagmamay-ari ng pamilya ko. Si Amiel. Si Christian. At, ako. Kilala ko sila, nagkikita kami sa school pero di nagpapansinan. Si Amiel, member ng dance co., from liberal arts. Si Christian, engineering student, campus crush yan. Habang ako ay kumukuha ng business management course. Madalas ko silang makita sa coffee shop namin, si Amiel ay halos gugulin ang oras nya sa pag-kakape at pagtambay kasama ang mga kabarkada nya. Si Christian, lagi siyang dumadaan para magtake-out at mabilis ding umaalis. Hindi ko na nga matandaan kung paano kami naging close, kung sino ba ang unang nag-hi o nag-open ng conversation. Wala nga marahil mag-aakalang magkakasundo kaming tatlo,eh. Ang alam ko lang, pinaglapit kami ng awiting “When I met you” ng Apo Hiking Society. Eto kasi ang paborito naming kanta.

Madalas pagtakhan ng madami kung paano kami nagkakasundo sa kabila ng magkakaiba naming ugali at personalidad. Homebody, snob-type at video games ang hilig ni Christian. Ako, out-going type, mahilig sa shopping at kumain. Samantalang si Amiel, ang hilig nyan ay disco bars, sumpungin at sobrang ingay. Hilig nya din ang kumanta, lagi nga nyang ginagaya si Whitney Houston, eh.

At higit sa lahat, si Christian, lalaki, ako babae, si Amiel, ewan ko, hindi ko alam.

Siguro ang pagkakaiba namin ay dala na din ng magkakaibang mundo na aming ginagalawan. Mayaman sina Christian, mula sa kilalang pamilya. Kaya siguro may pag-kasuplado at tahimik. Ako ay average lang kaya happy- go-lucky ang life. Si Amiel mula sa broken family, kaya mahilig mag-emote. Hindi ata siya mabubuhay ng walang trippings sa buhay. Pero sabi nga, opposite attracts.

Si Amiel ang pinaka-clown sa grupo, pag wala siya, tila lantang gulay kami ni Christian. Tahimik lang kasi si Christian, minsan boring pa. Sa aming tatlo, mas close sila ni Amiel. Kapag tinitipus si Amiel, si Christian lang ang nakaka-pag-alo sa kanya. Naalala ko tuloy ng minsan may pinakilala samin si Christian na babae, sobrang ini-scrutinized ni Amiel at mula nun never ng nagdala ng girl si Christian.

Masaya naman ang lahat. Pero nagsimula ang masalimuot naming mundo sa isang pagtatapat mula kay Amiel.

Kian, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, I think I’m falling so deeply inlove, pwede bang help me?

OO naman, who’s the lucky girl, huh? Biro ko pa kahit nabigla ako kasi sa limang taon naming magkakaibigan noon lang nag-open si Amiel ng ukol sa lovelife nya.

Si Christian… ah, si Christian kasi, friend. …- ang punong punong pag-aalinlangan pagsisimula ni Amiel habang ako naman ay excited na naghihintay ng kabuuan ng kanyang rebelasyon.

Matagal ko na tong tinatago, at alam ko ganun din siya. Ayoko ng pahirapan pa ang sarili ko o siya. Last night nga, hinawakan nya ang kamay ko. Medyo naguguluhan na ako sa mga sandaling iyon pero hinintay ko ang kabuuan ng kwento nya.

Hindi ko na kaya na nagtatago pa kami ng mga damdamin namin. Kian, alam ko na mahal din nya ako at nararamdaman ko yun. Uso na naman ngayon ang aminan, diba? Hindi na isang big issue.

Gusto ko sanang kumontra at ayaw ko sanang paniwalaan pero di ko nagawa. Masayang masaya kasi si Amiel. At wala akong magawa kundi maging masaya para sa kanya.

Mabilis na dumaan ang mga araw at di ko na din namalayan ang mga pangyayari. Tila naman walang pinag-iba except for the extra closeness ng dalawa na siguro ay ngayon ko rin lang napanisin dahil ngayon lang ako naging aware sa situation. Hindi ko na din nagawang i-confront si Christian about sa totoo nilang status ni Amiel. Naisip ko na lang, eh ano naman ngayon kung sila, mas maganda nga kasi mas happy! Hindi na rin masyadong bugnutin at emotional si Amiel.

Ngunit sa pagdaan ng mga araw, unti uniting nag-iiba si Amiel. Possessive, ika nga. Madaming bawal gawin si Christian. Dapat siya lang. Dapat kasama siya. Hanggang pati si Christian ay naiilang na din sa situation. Ang pinakamalala ay ng minsang magwala si Amiel sa shop dahil sa pagseselos.

How dare you do this to me? Niloko mo lang ako. Niloko mo lang ako, Christian! NArinig yun ng madami sa coffee shop at kitang kita ko ang pagkagulat at pagpipigil ni Christian sa kanyang sarili. Kung vocal si Amiel, si Christian naman ay kabaliktaran. Ayaw nya ng eskandalo. Ayaw nya ng mapapahiya siya.

There’s never really us, Amiel. Please, Itigil mo na yan. Yun lang ang mahina pero madiing nasabi ni Christian at tuluyan na itong umalis.

Natigilan si Amiel at tila doon lamang siya nagising sa katotohanan.

Simula noon, nagbago ang lahat. Madalang na ang gimik. Naging komplikado ang sitwasyon naming tatlo. Paran akong nasa pagitan ng dalawang nag-uumpugang bato. Kapag kasama ko si Amiel, wala si Christian. Kapag kaming dalawa ni Christian, ayaw ni Amiel.

Naawa ako kay Amiel, gabi gabi kasi siyang umiiyak. Di na nga din siya pumapasok sa klase at tuluyan na siyang nag-quit sa pag-sasayaw. Isang bagay na nakakapag-lambot dahil alam ko, mundo ni Amiel ang pag-sayaw. Eto ang naging kakampi nya ng mga panahong naghiwalay ang parents nya. Pero anong magagawa ko? Gustuhin ko mang ibalik ang samahan namin, hindi ko alam kung papaano. Pride kasi ang pinag-uusapan. Pareho yun ang nadali sa kanila.

Sa minsang pag-uusap namin ni Christian, naitanong nya, Kasalanan ko ba?

Gusto ko sanang sumbatan si Christian, Bakit mo kasi siya pinaasa? Pero hinayaan ko na lang na maglaho ang mga salitang yun sa aking lalamunan. Ayoko ng dagdagan pa ang guilt feeling ni Christian. Alam ko din naman na di niya intensyon na maramdaman yun ni Amiel.

Ayoko ng nagkakaganyan siya, ayoko siyang saktan, Kian. Pero sana naman unawain nya din ako, kayo lang dalawa ang mga kaibigan ko, nahihirapan na din ako. Ramdam na ramdam ko kung gaano kasakit para sa kanya ang mga pangyayari.

Naiintindihan kita, pero we also need to understand him, siguro sa’yo nya nararamdaman ang tunay na pagmamalasakit na hindi nya nakuha from his family. Hayaan mo, gagawin ko ang lahat para magkaayos kayo.

Pero sa isip ko, PAANO NGA BA?

Pero di ko na pala kailangang mag-isip dahil kanaumagahan, laking gulat ko ng isang bagong Amiel ang nadatnan ko sa shop. Masayang masaya ito, at sobrang sigla. O, parang ikaw na ata ang nagbukas ng shop, ah? Ngumiti lang ito. Nag-usap at nagkasundo na daw sila ni Christian, at isang deeper relationship ang nabuo ayon kay Amiel.

This time, it’s for real. Hindi na ako assuming. Maguguluhan man ako pero pinili ko na maging masaya para kay Amiel, ngayon ko lang siya nakitang ganun kasaya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko para kay Christian, maawa dahil batid ko na di naman nya talaga gusto ang bagay na to, na pinagbibigyan lang nya si Amiel. Ganun kasi siya, sobrang mapagmahal sa kaibigan and because of that love, he can give up even his own. Pero minsan naguguluhan na din ako sa kanya. Di ko na alam ko ano ba talaga tumatakbo sa isip nya.

Pero naisip ko, anuman ang dahilan nila, bahala na basta ang mahalaga masaya na ulet kaming tatlo. Gimik dito, joyride doon. Walang oras kaming sinayang, sinulit namin ang mga araw na hindi kami nagkasama. Pero may mga oras din na naisip ko na hindi kami laging ganito. Si Christian, makakahanap din ng babae na para sa kanya. At si Amiel... si Amiel, madala ko siyang makitang nakatingin sa malayo. Tila laging pagod. Kadalasang namumutla. Biro ko na lang, nasobrahan naman ata sa pagmamahal ni Christian. Minsan nga naiisip kong mahal na nga kaya siguro ni Christian si Amiel? Ewan, marahil ay guni-guni ko lamang.

Friday, desperas ng Valentine’s day. Siguro ay mga alas- 3 ng madaling araw, nagising ako sa ring ng cellphone ko. Si Amiel, ang aga-aga ay nangungulet. Sobra pa ang pagkaantok ko kaya pinabayaan ko na lamang mag-ring hanggang sa magsawa na rin siya. For sure, si Christian naman ang kukulitin nya. Pero after 10 minutes, nag-ring na naman, si Amiel ulet. Kahit inaantok pa ay sinagot ko na din, balak ko pa sana siyang sigawan dahil sa pangungulet nya pero hindi ko na nagawa pa – umiiyak si Amiel, itago man nya ay di pa din siya mapagkakaila sa akin. Tinanong ko siya kung bakit siya tumatawag pero di nya ako sinagot. Sa halip ay kinakanta nya ang paborito naming kanta na halos nalimutan na din naman namin- …You gave a reason for my being and I love what I’m feeling. You gave me a meaning to my life, yes, I’ve gone beyond existing, and it all began – nag-pause siya ng ilang second, tila pagod – when I met you. Kian, I’m so happy I met you and Christian, at bigla na n’yang binababa ang phone.

Naiinis man ako dahil di man lang nya ako binigyan ng chance na magsalita, nakangiti pa din akong bumalik sa aking pagtulog. Si Amiel talaga, weird. Sari-sari ang trip, siguro nag-se-senti na naman.

10 AM na ako nagising. Kakaiba ang sikat ng araw, tila malamlam. Tila iba din ang simoy ng hangin. Ayoko sanang umalis ng bahay dahil sabi nila, malas na araw daw dahil Friday the 13th . Pero nag-text ni Amiel na magkita daw kami sa coffee shop ng 8AM. Naisip ko, ano na naman kaya ang pumasok sa isip nito at ang aga-aga eh pupunta sa shop, eh 9am pa naman nag-bubukas yun. Siguro magpapalipas ng oras, siguro masama ang loob dahil napagalitan ng mama nya. O baka kinukulit na naman si Ren, ang gwapo naming crew. Hay naku, si Amiel talaga.

Dali dali akong pumunta doon pero wala naman si Amiel. Sabi ni Ren, kanina pa daw siyang alas-siyete dun pero di naman daw niya napapansin si Amiel. Tinext ko siya pero di naman sumasagot. Tinatawagan ko pero off naman ang phone.

Halos, isang araw na di nagpapakita sa amin si Amiel. Di rin daw nagpaparamdam kay Christian. Ano naman kaya ang trip ngayon ni Amiel? Ano to hide and seek? Si Christian nga, halos masira na ang phone sa pagpindot at minu-minutong pag-dial sa number niya pero wala pa din.

Alas-sais na ng hapon kaya nagkayayaan na kami ni Christian umuwe pero parang ayoko pa din umuwe kaya niyaya ko si Christian na dumaan sa bahay nina Amiel. Ewan ko, pero tila dun ako dindala ng mga paa ko. Pagdating namin sa bahay nina Amiel, may kakaibang aura. Di tulad ng dati maliwanag eto ngayon, madaming tao. Ano to, may party at di man lang nag-invite? Pero habang papalapit kami ni Christian sa pintuan tila unti uniti hinihigop ng isang realisasyon ang aming natitirang lakas. Nandun ang mommy ni Amiel, ang papa niya at mga kamag-anak, tila isang happy family, isang natatanging pangarap ni Amiel, ang kulang na lang ay palitan ng ngiti ang mga labi nilang pagal. Sinalubong kami ni Manang, ang katiwala sa bahay nina Amiel na siya naring nagpalaki dito.

Wala na siya. Hindi ko na naiintindihan ang mga pangyayari ang tanging nakikita ko na lamang ay si Christian na nakalugmok sa tabi ng isang sulok, iyak ng iyak. Tila wala sa kanyang sarili. Andun si Amiel, wala na ang ingay, isa na lang Amiel na tila payapang natutulog.

Ayokong paniwalaan ang lahat. Pilit kong gustong gisingin si Amiel pero wala. Wala na. Sabi ni Manang, matagal na daw itong may sakit, cancer of the blood, pero minabuting ilihim sa amin ang katotohanan.

Tila mga pirapiraso ng babasaging baso ang naririnig ko. Bakit kailangang maglihim ka? Madaming bagay ay pwedeng ilihim pero bakit ito pa? Para ano, para saan? Marahil para di kami mag-alala, para di malungkot. Para di kaawaan? Bakit nga ba kailangan n’yang sarilinin lahat ng sakit? Bakit siya madamot? Mas triple kasi ang balik sa amin,eh.

Sabi ni Manang, binawian daw ito na buhay kaninang madaling araw. Kinilabutan ako sa bagay na yun, hindi ko man lang alam na yun na ang huling pagtawag sa akin ni Amiel. Hindi ko maintindihan pero alam ko may magandang siyang dahilan.

Wala na din naman akong magagawa. Gustuhin ko man siyang gisingin at ipakita sa kanya ang isang bagay na matagal na nyang hinihiling – ang makita ang pamilya nyang kumpleto. Pero wala na , sana lang nakikita pa nya ang lahat ng to. At ang sa aking isipan ay tila nakikita ko si Amiel na inaawit ang paborito naming linya:

“You taught me how to love
You showed me how tomorrow and today
My love is diff'rent from the yesterday
I knew, you taught me to love
And darling I will always cherish you today
Tomorrow and forever”

Lumapit ako kay Christian na sa mga oras na yun ay wala pa ding tigil ang pag-patak ng luha, at sa impit na iyak nya may natuklasan akong isang bagay: Bakit ngayon pa, ngayon pa na mahal ko na siya?



freefall's note: (2002) a short story, which I submitted to my Filipino teacher, Ma’am Marilyn TeƱoso, during high school days. ayoko sana i-post kasi baduy pero paano  ko ba kakalimutan ang tatlong personalidad na bumuhay sa pinak-una kong kwento.

7 comments:

Olivia Thursday, April 15, 2010 6:11:00 PM  

For some reason, naiyak ako. Friend tagos yun ah. Technically it's an altogether good story: good command of language, sequencing, tama lang yung high and low points ng events. Ang gusto ko dito may puso yung storya. After nito, gusto kong pumunta sa libing ni Amiel.

iamfreefall Friday, April 16, 2010 8:16:00 PM  

thank you, ava. pero friend, you're 16 years late sa libing ni Amiel. =)

Unknown Tuesday, November 02, 2010 10:47:00 PM  

Its such a sad story, corny but somehow true...


In real life, we will realize that we really loved someone, once he/she was gone...

:p

iamfreefall Wednesday, November 03, 2010 12:53:00 AM  

@lao: ya, i was re-reading this two days ago, and i was teary-eyed. i do not exactly know why. baka nga di corney, baka sad story talaga. hehe.

well, maybe that's why we need to learn how to appreciate the people that we have before we run out of time. LOVE as if there's no tomorrow, ika nga. kaya, lao, wag ka madamot sa pagmamahal, oki?


@yshee: OO.

JR Wednesday, November 24, 2010 3:04:00 AM  

boom.. tagos, sobrang butas sa tagos sa puso... nagustuhan ko storya.. kung ako lang siguro ang nasa kwarto ko ngayon ay baka akoy napahagulhol na ... andito kasi sa kwarto sisteret ko.. hahaha dyaheeee :"> :)) hahaha

pang MMK... astig... ;)

iamfreefall Thursday, December 02, 2010 1:38:00 AM  

kuya mario, salamat at iyong nagustuhan ang kanilang kwento. upang di na kailangang pigilan ang emosyon sa mga susunod na pagkakataon. si sisteret na di namigay ng tsokoleyt ay patulugin muna. o takpan ng unan. =) hehe.

Post a Comment

hi, there!

Thanks for leaving a comment. if you like to share your poems, short stories, or simply anything under the sun, you are FREE to post your blog address here.

just click on the comment button.
and let the poetic juices flow freely!

Blog template by simplyfabulousbloggertemplates.com

Back to TOP